A Travellerspoint blog

Si Jelly at si Koko

sunny

Last Friday...

5:30 PM

Yey! Maaga akong makakauwi, I missed my bed soooooooooo much!

(Phone rings)

Screeen says, JELLY.

Jelly: Kim kamusta?

Me: Hello, ok naman. Pauwi pa lang ako from office. Ikaw kamusta?

Jelly: Nasa Manila ka ba? Pwede bang pumunta sa inyo?

Me: Naku nasa MARS ako ngayon, joke! Yes, walang rampa ngayon. What's wrong?

Jelly: May share lang ako...

Me: Pagkain ba yan? Tawagan natin sila Tin, gusto mo?

Jelly: Sila na ang una kong tinawagan, kaso weekdays ngayon. May mga pasok sila.

Me: Ah, so last option lang ako?

Jelly: Inarte? Alam ko kasi na palagi kang wala kaya hinuli na kita.

Me: Sus, nagpaliwanag pa. Ano bang meron?

Jelly: Sabihin mo kung hindi ako pwedeng pumunta sa inyo...

Me: Arte much ha? Ikaw pa, GOW lang. Ill wait for you, ok? Ingat ka.

Sa totoo lang, pinagagaan ko lang yung usapan namin ni Jelly. Unang dinig ko pa lang sa boses nya, mukhang malungkot na. Alam ko na agad na may problema sya.

1:00 AM
Sa room ko, nakahiga kaming parehas ni Jelly. Hindi ako lang pala. Sya nakaupo, yakap ang mga tuhod. Umaagos ang luha. Hindi nagsasalita.

Me: Neng, baka gusto mo namang magsalita. Para maka-relate ako sa ine-emote mo.

Jelly: (singhot)

Me: Owkei, salita ka lang pag ready ka na ha? (yawn)

After 33seconds na katahimikan...

Jelly: Koko and I broke up last week.

Me: (Upo) Ang reason?

Jelly: He needs space daw.

Me: If he needs space, he should join NASA.

Jelly: Alam ko na yan.

Me: So, iyon lang? He needs space for what?

(Sa pagkakaalam ko kasi, perfect ang relationship ni Jelly at Koko. Naiinggit nga ako sa kanila eh, wala silang pinag-aawayang malaking bagay, supportive sila sa isat-isa at higit sa lahat, alam kong mahal na mahal nila ang bawat isa.)

Jelly: Yun din ang tanong ko sa kanya. Sinabi ko pa nga sa kanya, kung meron mang iba, he can tell me upfront. But he said na WALA. Matigas ang pagkakasabi nya ng wala and I perfectly know kung talagang nagsisinungaling sya o hindi.

Me: Malay mo naman, na-master na nya bago sabihin sayo. Hehehe

Jelly: Alam mo na hindi kami nag-aaway sa ganyan, hindi sya nagsisinungaling sa akin o kahit kanino. Kapag ayaw nyang marinig mo ang isang bagay, hindi nya na lang sasagutin ang tanong mo.

Me: Sabagay, ganun nga si Koko. Pero things do change and so are people. Wala ka bang napapansin na kakaiba sa kanya?

Jelly: We're normal naman. Hanggang sa these past few months, he's not frequently calling or txting me. Naisip ko busy lang sya. Then all of a sudden sumulpot sya sa office. Inaya akong mag-dinner. He said sorry kung na-neglect nya ko ng mga nakakaraang panahon. Sabi ko naiintindihan ko dahil parehas kaming busy. Sabi ko pa nga lets make it up to each other, gumala kami sa darating na weekend.

...Long pause....

Jelly: He said na may sasabihin sya. Alam mo yung itsura nya na haggard, na alam mong may dinadala sya. Nag-alala naman ako. Tapos ang kasabi sabi sa akin. He wants his freedom. Ang tagal kong hindi nagsalita. Ganun din sya. Basta nakatungo lang sya.

Me: Anong sinabi mo after?

Jelly: Syempre nagtanong ako anong problema, anong nagawa ko, may iba na ba. Typical questions. Inaabangan ko na ngang sabihin nyang meron ng iba, na may pagkukulang ako.. Pero hindi eh, alam mo kung anong sinabi nya? Wala akong kasalanan. He just woke up one morning na hindi nya na ako mahal.

Ang sakit. Paano nangyaring hindi nya na ako mahal, kung walang iba? Possible bang dahilan ng break up yon? May dahilan kung bakit he fall out of love from me. Pero paulit ulit nyang sinabi na walang iba, na walang problema sa akin. Sya ang may problema. Alam mo yun? Mas matatanggap ko pa na ako ang may problema eh, kasi may pagkakataon akong itama at wag syang mawala sa akin. Pero hindi eh... Hindi ko alam ang sasabihin ko that moment. Kami ni Koko, for the past 4 years, wala kaming pinag-awayan, meron man nagagawan agad namin ng paraan, kami na laging nakasuporta sa isat-isa. Alam mo yun lahat ng plano namin together was all shattered in front of me...

Me: Paano kayo naghiwalay?

Jelly: Sabi ko, ayaw ko ng ganun. Pag-isipan nya munang mabuti. Kung nagsasawa na sya sa relasyon namin o sa routine namin. Pwede naming pag-usapan yun. Sabi ko I can give him space. Pero hindi ang break up.

Sabi nya, masaya naman sya sa flow ng relationship namin... Not until these past few months. Talaga daw pinag-isipan nyang mabuti yung moment na yun. Sabi ko, Ill give him another week, mag-isip sya ulit, alalahanin nya ang mga pinagdaanan at pinagsamahan namin sa loob ng apat na taon. Saka nya sabihin ulit sa akin lahat yun, baka may na-miss lang sya sa pag-iisip nya.

Me: So how did you two end up like this?

Jelly: I texted him earlier today. Sabi ko kung nakapag-isip na sya, magkita kami.

....Long pause ulit..

Jelly: He replied, ang sabi "Inalala ko lahat mula simula natin, and that moment, even until now, that you are the girl every man could wish for. Pero iyon pa din ang sagot ko, walang nabago sa nararamdaman ko. Sorry Jelly. I know you've been a good friend and a perfect girlfriend to me, sorry to leave you this way. But I dont love you anymore at ayaw kitang masaktan. Sobrang buti mo." Ang gara, hindi ko matanggap. Walang dahilan, basta hindi ka na lang mahal? Kim, anong explanation don. I really dont understand!

Me: All I can say is, "No amount of hope can bring back to life a relationship that just died a natural death..."

P.S

Saka na yung mahabang payo ko kay Jelly, kasi nagO-OT na naman ako. Hehehe!

Posted by prettydevil 05:25 Archived in Philippines Tagged breakups

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint